



TINGNAN: Bayanihan para sa Malinis at Maunlad na Pamayanan!
Matagumpay na isinagawa ang Community Cleanup Drive sa pagtutulungan ng School AP Club, Barangay Maly, at ng kanilang Sangguniang Kabataan (SK).
Pinangunahan ni Mrs. Lorna L. Beguia, AP Club Adviser, ang gawaing ito na nilahukan ng mga student-leaders mula sa AP Club, GSP at BSP, at kanilang mga advisers bilang pagpapakita ng pagkakaisa at malasakit sa kapaligiran.
Taos-puso rin ang aming pasasalamat sa patuloy na suporta at paggabay ng ating Principal, Mr. Walter Cristobal , sa mga gawaing nagtataguyod ng matibay na ugnayan ng paaralan at pamayanan.
Sa sama-samang pagkilos, mas nagiging makabuluhan ang ating munting ambag tungo sa isang malinis, maayos, at luntiang kapaligiran.