School ID : 308139
Email Address: 308139@deped.gov.ph

Announcement

Summer ARAL Program

April 30, 2026

📢 Aral Program 2026 sa Guinayang National High School

Ang buong Guinayang National High School ay nakikiisa sa implementasyon ng ARAL Program 2026 ngayong darating na May 06–June 02, 2026.

Inaanyayahan ang ating mga ARAL learners, tutor volunteers at community partners na makiisa at makibahagi sa makabuluhang gawaing ito!

Huwag palampasin ang pagkakataong ito! —Hikayatin ang inyong mga anak na dumalo upang lalo pang mapalalim ang kanilang kaalaman at kasanayan sa pag-aaral bago ang pasukan.

Sama-sama nating gawing makabuluhan ang bakasyon—dahil sa GNHS, tuloy-tuloy ang pagkatuto!

Para sa mga katanungan, maaari pong magtungo sa ating paaralan o magpadala ng mensahe sa ating official FB page!