School ID : 308139
Email Address: 308139@deped.gov.ph

Announcement

SOLO PARENTS WEEK

April 17, 2026

Ang Guinayang National High School ay kaisa sa pagdiriwang ng NATIONAL SOLO PARENTS WEEK kung saan ating binibigyang-pugay ang lakas, tibay, at walang kapantay na pagmamahal ng mga solo parents.

Sa temang “Solo Parent na Rehistrado, sa Gobyerno tiyak na Suportado,” ipinapaalala sa atin na hindi nag-iisa ang bawat magulang na mag-isang lumalaban para sa kanilang pamilya. Sa tulong ng pamahalaan at ng komunidad, mas napapalakas ang kanilang kakayahang magtaguyod, magmahal, at mangarap para sa kinabukasan ng kanilang mga anak.

Kayo ay inspirasyon ng katatagan at pag-asa—mga bayaning tahimik na patuloy na nagsusumikap sa kabila ng lahat.

Mabuhay ang mga solo parents! 💖

#SoloParentsWeek2026 #SuportadoKa #DSWD